32. Sa laman ng tao ay huwag ninyong ibubuhos, ni huwag kayong gagawa ng gaya niyan sa pagkakatha: banal nga at aariin ninyong banal.
33. Sinomang kumatha ng gaya niyan, o sinomang gumamit niyan sa isang taga ibang lupa, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.
34. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Magdala ka ng mababangong espesia, estacte, at onycha, at galbano; mabangong espesia na may taganas na kamangyan: na magkakaisa ng timbang;
35. At iyong gagawing kamangyan, na isang pabangong ayon sa katha ng manggagawa ng pabango, na tinimplahan ng asin, na pulos at banal;