12. At iyong ilalagay ang dalawang bato sa ibabaw ng pangbalikat ng epod, upang maging mga batong pinakaalaala sa ikagagaling ng mga anak ni Israel: at papasanin ni Aaron ang kanilang mga pangalan sa harap ng Panginoon, sa ibabaw ng kaniyang dalawang balikat, na pinakaalaala.
13. At gagawa ka ng mga kalupkop na ginto:
14. At ng dalawang tanikalang taganas na ginto; parang pisi iyong gagawin na yaring pinili: at iyong ilalapat sa mga kalupkop ang mga tanikalang pinili.
15. At gagawin mo ang pektoral ng kahatulan, na gawa ng bihasang manggagawa; na gaya ng pagkayari ng epod iyong gagawin; gagawin mo na ginto, na bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.