Exodo 25:1-8 Ang Biblia (TLAB)

1. At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

2. Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa akin ng isang handog: ang bawa't tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin.

3. At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, at pilak, at tanso;

4. At kayong bughaw, kulay-ube, at pula, at lino at balahibo ng kambing;

5. At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;

6. Langis sa ilawan, mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong pangsuob;

7. Mga batong onix, at mga batong pangkalupkop sa efod, at sa pektoral.

8. At kanilang igawa ako ng isang santuario; upang ako'y makatahan sa gitna nila.

Exodo 25