Exodo 22:13-23 Ang Biblia (TLAB)

13. Kung nalapa ay dadalhing pinakapatotoo, at hindi sasaulian ang nalapa.

14. At kung ang sinoman ay humiram ng anoman sa kaniyang kapuwa, at masaktan, o mamatay, na hindi kaharap ang may-ari, ay walang pagsala na siya'y magsasauli.

15. Kung ang may-ari niyaon ay kaharap, ay hindi niya sasaulian; kung isang bagay na pinauupahan ay ihuhulog sa kaniyang kaupahan.

16. At kung dayain ng isang lalake ang isang dalaga, na hindi pa niya nagiging asawa at kaniyang sipingan, ay tunay na kaniyang ipagbabayad ng bigay-kaya upang maging asawa niya.

17. Kung itangging mainam ng kaniyang ama na ibigay sa kaniya, ay magbabayad siya ng salapi, ayon sa bigay-kaya sa mga dalaga.

18. Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway.

19. Sinomang makiapid sa isang hayop ay papataying walang pagsala.

20. Yaong maghain sa anomang dios, maliban sa Panginoon lamang, ay lubos na papatayin.

21. At ang taga ibang lupa ay huwag mong aapihin, o pipighatiin man; sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto.

22. Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao, o ulila.

23. Kung iyong dalamhatiin sila sa anomang paraan, at sila'y dumaing sa akin, ay walang pagsala, na aking didinggin ang kanilang daing;

Exodo 22