Exodo 1:1-5 Ang Biblia (TLAB)

1. Ito nga ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na nagsipasok sa Egipto: (bawa't lalake at ang kani-kaniyang sangbahayan ay sumama kay Jacob.)

2. Si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda;

3. Si Issachar, si Zabulon at si Benjamin;

4. Si Dan at si Nephtali, si Gad at si Aser.

5. At lahat ng tao na lumabas sa balakang ni Jacob ay pitong pung tao: at si Jose ay nasa Egipto na.

Exodo 1