13. Nakita ko rin ang karunungan sa ilalim ng araw, sa ganitong anyo, at naging tila dakila sa akin:
14. Nagkaroon ng maliit na bayan, at iilan ang tao sa loob niyaon; at may dumating na dakilang hari laban doon, at kumubkob, at nagtayo ng mga malaking tanggulan laban doon:
15. May nasumpungan nga roong isang dukhang pantas na lalake, at iniligtas niya ng kaniyang karunungan ang bayan; gayon ma'y walang umalaala sa dukhang lalaking yaon.
16. Nang magkagayo'y sinabi ko, Karunungan ay maigi kay sa kalakasan: gayon ma'y karunungan ng dukhang taong yaon ay hinamak, at ang kaniyang mga salita ay hindi dinidinig.