Deuteronomio 31:1-5 Ang Biblia (TLAB)

1. At si Moises ay yumaon at sinalita ang mga salitang ito sa buong Israel.

2. At kaniyang sinabi sa kanila, Ako'y may isang daan at dalawang pung taon sa araw na ito; hindi na ako makapaglalabas at pumasok; at sinabi ng Panginoon sa akin, Huwag kang tatawid sa Jordang ito.

3. Magpapauna ang Panginoon mong Dios at kaniyang lilipulin ang mga bansang ito sa harap mo, at iyong aariin: si Josue ay magpapauna sa iyo, gaya ng sinalita ng Panginoon.

4. At gagawin sa kanila ng Panginoon ang gaya ng ginawa kay Sehon, at kay Og, na mga hari ng mga Amorrheo, at sa kanilang lupain na kaniyang nilipol.

5. At ibibigay sila ng Panginoon sa harap mo, at iyong gagawin sa kanila ang ayon sa buong utos na aking iniutos sa iyo.

Deuteronomio 31