Deuteronomio 30:10-13 Ang Biblia (TLAB)

10. Kung iyong susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin mo ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na nasusulat sa aklat na ito ng kautusan; kung ikaw ay manunumbalik sa Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa.

11. Sapagka't ang utos na ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay hindi totoong mabigat sa iyo, ni malayo.

12. Wala sa langit, upang huwag mong sabihin, Sinong sasampa sa langit para sa atin, at magdadala niyaon sa atin, at magpaparinig sa atin, upang ating magawa?

13. Ni wala sa dako roon ng dagat, upang huwag mong sabihin, Sino ang daraan sa dagat para sa atin, at magdadala niyaon sa atin, at magpaparinig sa atin, upang ating magawa?

Deuteronomio 30