Deuteronomio 25:1-3 Ang Biblia (TLAB)

1. Kung magkaroon ng pagkakaalit ang mga tao, at sila'y dumating sa hukuman, at sila'y hatulan ng mga hukom; ay kanila ngang mamatuwirin ang may matuwid at hahatulan ang salarin:

2. At mangyayari, na kung ang salarin ay marapat paluin, ay padadapain siya ng hukom sa lupa, at papaluin sa kaniyang harap, ayon sa kaniyang sala na may bilang,

3. Apat na pung palo ang maibibigay niya sa kaniya, huwag niyang lalagpasan: baka kung siya'y lumagpas, at paluin niya ng higit sa mga ito ng maraming palo, ay maging hamak nga sa iyo ang iyong kapatid.

Deuteronomio 25