Deuteronomio 14:7-24 Ang Biblia (TLAB)

7. Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang liebre, at ang coneho, sapagka't sila'y ngumunguya, nguni't walang hati ang paa; mga marumi sa inyo;

8. At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.

9. At ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng nasa tubig: anomang may mga kaliskis at mga palikpik, ay inyong makakain:

10. At anomang walang kaliskis at palikpik, ay huwag ninyong kakanin; marumi nga ito sa inyo.

11. Sa lahat ng ibong malinis ay makakakain kayo.

12. Nguni't ang mga ito'y hindi ninyo makakain: ang aguila, at ang aguilang dumudurog ng mga buto, at ang aguilang dagat;

13. At ang ixio, at ang halkon, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;

14. At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak;

15. At ang avestruz, at ang chotacabras, at ang graviota, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;

16. Ang munting kuwago, at ang malaking kuwago, at ang kuwagong tila may sungay;

17. At ang pelikano, at ang buitre, at ang somormuho;

18. At ang ciguena at ang tagak, ayon sa kanilang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag.

19. At lahat ng may pakpak na umuusad, ay marumi sa inyo: hindi kakanin.

20. Sa lahat ng ibong malinis ay kayo'y makakakain.

21. Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili: iyong maibibigay sa taga ibang bayang nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kaniyang kanin; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan: sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina.

22. Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid.

23. At iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi.

24. At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa't hindi mo madadala, sapagka't totoong malayo sa iyo ang dako, na pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan, pagka ikaw ay pagpapalain ng Panginoon mong Dios:

Deuteronomio 14