Deuteronomio 14:3-17 Ang Biblia (TLAB)

3. Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay.

4. Ito ang mga hayop na inyong makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing,

5. Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza.

6. At bawa't hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain.

7. Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang liebre, at ang coneho, sapagka't sila'y ngumunguya, nguni't walang hati ang paa; mga marumi sa inyo;

8. At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.

9. At ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng nasa tubig: anomang may mga kaliskis at mga palikpik, ay inyong makakain:

10. At anomang walang kaliskis at palikpik, ay huwag ninyong kakanin; marumi nga ito sa inyo.

11. Sa lahat ng ibong malinis ay makakakain kayo.

12. Nguni't ang mga ito'y hindi ninyo makakain: ang aguila, at ang aguilang dumudurog ng mga buto, at ang aguilang dagat;

13. At ang ixio, at ang halkon, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;

14. At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak;

15. At ang avestruz, at ang chotacabras, at ang graviota, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;

16. Ang munting kuwago, at ang malaking kuwago, at ang kuwagong tila may sungay;

17. At ang pelikano, at ang buitre, at ang somormuho;

Deuteronomio 14