Deuteronomio 14:1-5 Ang Biblia (TLAB)

1. Kayo'y mga anak ng Panginoon ninyong Dios: huwag kayong magkukudlit, ni magpapakakalbo sa pagitan ng inyong mga mata, ng dahil sa patay.

2. Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.

3. Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay.

4. Ito ang mga hayop na inyong makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing,

5. Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza.

Deuteronomio 14