1. Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang pintong bukas sa langit, at ang unang tinig na aking narinig, na gaya ng sa pakakak, na nakikipagusap sa akin, ay sa isang nagsasabi, Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin.
2. Pagdaka'y napasa Espiritu ako: at narito, may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo;
3. At ang nakaupo ay katulad ng isang batong jaspe at isang sardio: at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda.
4. At sa palibot ng luklukan ay may dalawangpu't apat na luklukan: at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang dalawangpu't apat na matatanda, na nadaramtan ng mapuputing damit; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto.