Amos 8:10-14 Ang Biblia (TLAB)

10. At aking papalitan ng panaghoy ang inyong mga kapistahan, at taghoy ang lahat ninyong awit; at ako'y maglalagay ng kayong magaspang sa lahat na balakang, at kakalbuhan sa bawa't ulo; at aking gagawing gaya ng pagtaghoy sa isang bugtong na anak, at ang wakas niyaon ay gaya ng mapanglaw na araw.

11. Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.

12. At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan.

13. Sa araw na yaon ay manglulupaypay sa uhaw ang mga magandang dalaga at ang mga binata.

14. Silang nagsisisumpa sa pamamagitan ng kasalanan ng Samaria, at nagsasabi, Buhay ang Dios mo, Oh Dan; at, Buhay ang daan ng Beer-seba; sila'y mangabubuwal, at kailan may hindi na mangakababangon.

Amos 8