Amos 7:10-15 Ang Biblia (TLAB)

10. Nang magkagayo'y nagsugo si Amasias na saserdote sa Beth-el kay Jeroboam na hari sa Israel, na nagsasabi, Si Amos ay nagbanta laban sa iyo sa gitna ng sangbahayan ni Israel: hindi mababata ng lupain ang lahat niyang mga salita.

11. Sapagka't ganito ang sabi ni Amos, Si Jeroboam ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, at ang Israel ay walang pagsalang dadalhing bihag mula sa kaniyang lupain.

12. Sinabi rin ni Amasias kay Amos, Oh ikaw na tagakita, yumaon ka, at tumakas ka sa lupain ng Juda, at doo'y kumain ka ng tinapay, at manghula ka roon:

13. Nguni't huwag ka nang manghula pa sa Beth-el: sapagka't siyang santuario ng hari, at siyang bahay-hari.

14. Nang magkagayo'y sumagot si Amos, at nagsabi kay Amasias, Ako'y hindi propeta, o anak man ng propeta; kundi ako'y pastor, at manggagawa sa mga puno ng sikomoro:

15. At kinuha ako ng Panginoon mula sa pagsunod sa kawan, at sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, manghula ka sa aking bayang Israel.

Amos 7