5. Sapagka't inaakala kong sa anoman ay hindi ako huli sa lubhang mga dakilang apostol.
6. Datapuwa't bagaman ako ay magaspang sa pananalita, gayon ma'y hindi ako sa kaalaman; hindi, kundi sa lahat ng paraan ay ipinahayag namin ito sa inyo.
7. Ako nga baga'y nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili, upang kayo'y mangataas dahil sa ipinangaral ko sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios?
8. Aking sinamsaman ang ibang mga iglesia, sa pagtanggap ko ng upa sa kanila, upang ipangasiwa ko sa inyo;
9. At pagka ako'y kaharap ninyo at ako'y nagkukulang ng ikabubuhay, ako'y hindi naging pasan sa kanino man; sapagka't mga kapatid nang sila'y manggaling sa Macedonia ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako.
10. Kung paanong nasa akin ang katotohanan ni Cristo, sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa mga dako ng Acaya.
11. Bakit? sapagka't hindi ko baga kayo iniibig? Nalalaman ng Dios.