2 Mga Taga-Corinto 10:5-12 Ang Biblia (TLAB)

5. Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo;

6. At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway, kung maganap na ang inyong pagtalima.

7. Minamasdan ninyo ang mga bagay na nahaharap sa inyong mukha. Kung ang sinoman ay mayroong pagkakatiwala sa kaniyang sarili na siya'y kay Cristo, ay muling dilidilihin ito sa kaniyang sarili na, kung paanong siya'y kay Cristo, kami naman ay gayon din.

8. Sapagka't bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya.

9. Upang huwag akong wari'y ibig ko kayong pangilabutin sa takot sa aking mga sulat.

10. Sapagka't, sinasabi nila, Ang kaniyang mga sulat, ay malaman at mabisa; datapuwa't ang anyo ng kaniyang katawan ay mahina, at ang kaniyang pananalita ay walang kabuluhan.

11. Bayaang isipin ng isang gayon ito, na, kung ano kami sa pananalita sa mga sulat pagka kami ay wala sa harapan, ay gayon din kami naman sa gawa pagka kami ay nahaharap.

12. Sapagka't hindi kami nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanilang sarili: nguni't sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanila rin, at kanilang itinutulad ang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa.

2 Mga Taga-Corinto 10