2 Mga Taga-Corinto 10:3-9 Ang Biblia (TLAB)

3. Sapagka't bagaman kami ay nagsisilakad sa laman, ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman.

4. (Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);

5. Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo;

6. At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway, kung maganap na ang inyong pagtalima.

7. Minamasdan ninyo ang mga bagay na nahaharap sa inyong mukha. Kung ang sinoman ay mayroong pagkakatiwala sa kaniyang sarili na siya'y kay Cristo, ay muling dilidilihin ito sa kaniyang sarili na, kung paanong siya'y kay Cristo, kami naman ay gayon din.

8. Sapagka't bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya.

9. Upang huwag akong wari'y ibig ko kayong pangilabutin sa takot sa aking mga sulat.

2 Mga Taga-Corinto 10