4. Bukod dito'y inutusan niya ang bayan na tumatahan sa Jerusalem, na ibigay ang pagkain ng mga saserdote at ng mga Levita, upang magsitalaga sa kautusan ng Panginoon.
5. At paglabas ng utos, ang mga anak ni Israel ay nangagbigay na sagana ng mga unang bunga ng trigo, alak, at langis, at pulot, at sa lahat na bunga sa bukid; at ang ikasangpung bahagi ng lahat na bagay ay dinala nila na sagana.
6. At ang mga anak ni Israel at ni Juda, na nagsisitahan sa mga bayan ng Juda, sila nama'y nangagdala ng ikasangpung bahagi ng mga baka at mga tupa, at ng ikasangpung bahagi ng mga itinalagang bagay na mga itinalaga sa Panginoon nilang Dios, at inilagay ang mga yaon na bunton bunton.
7. Nang ikatlong buwan ay nangagpasimula silang naglagay ng pasimula ng mga bunton, at nangatapos sa ikapitong buwan.
8. At nang pumaroon si Ezechias at ang mga prinsipe at makita ang mga bunton, kanilang pinuri ang Panginoon, at ang kaniyang bayang Israel.
9. Nang magkagayo'y nagtanong si Ezechias sa mga saserdote at sa mga Levita tungkol sa mga bunton.
10. At si Azarias na punong saserdote sa bahay ni Sadoc, ay sumagot sa kaniya, at nagsabi, Mula ng magpasimulang magdala ang bayan ng mga alay sa bahay ng Panginoon, kami ay nagsikain at nangabusog kami, at lumabis ng sagana sapagka't pinagpala ng Panginoon ang kaniyang bayan; at ang naiwan ay ang malaking kasaganaang ito.
11. Nang magkagayo'y nagutos si Ezechias na maghanda ng mga silid sa bahay ng Panginoon; at inihanda nila.
12. At kanilang pinagdalhan ng mga alay at ng mga ikasangpung bahagi, at ng mga itinalagang bagay, na may pagtatapat. At sa mga yaon ay katiwala si Chonanias na Levita, at si Simi na kaniyang kapatid ay siyang ikalawa.
13. At si Jehiel, at si Azazias, at si Nahat, at si Asael, at si Jerimoth, at si Josabad, at si Eliel, at si Ismachias, at si Mahaath, at si Benaias, ay mga tagapangasiwa sa kapangyarihan ng kamay ni Chonanias, at ni Simi na kaniyang kapatid, ayon sa pagkahalal ni Ezechias, na hari, at ni Azarias na tagapamahala sa bahay ng Dios.
14. At si Core na anak ni Imna na Levita, na tagatanod-pinto sa silanganang pintuang-daan, ay katiwala sa mga kusang handog sa Dios, upang magbahagi ng mga alay sa Panginoon, at ng mga kabanalbanalang bagay.