2 Mga Cronica 13:1-3 Ang Biblia (TLAB)

1. Nang ikalabing walong taon ng haring Jeroboam ay nagpasimula si Abias na maghari sa Juda.

2. Tatlong taong naghari siya sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Michaia na anak ni Uriel na taga Gabaa. At nagkaroon ng digmaan si Abias at si Jeroboam.

3. At si Abias ay nagpisan sa pakikipagbaka ng isang hukbo na matatapang na lalaking mangdidigma, na apat na raang libo, na mga piling lalake: at humanay si Jeroboam sa pakikipagbaka laban sa kaniya na may walong daang libo, na piling mga lalake, na mga makapangyarihang lalaking may tapang.

2 Mga Cronica 13