13. At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.
14. At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, alalayan ang mga mahihina, at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.
15. Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.
16. Mangagalak kayong lagi;
17. Magsipanalangin kayong walang patid;
18. Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
19. Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu;
20. Huwag ninyong hamakin ang mga panghuhula;
21. Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;
22. Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama.
23. At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.
24. Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.