1 Mga Taga-Corinto 14:35-40 Ang Biblia (TLAB)

35. At kung ibig nilang maalaman ang anomang bagay, magtanong sila sa kanilang asawa sa bahay; sapagka't mahalay na ang isang babae ay magsalita sa iglesia.

36. Ano? lumabas baga mula sa inyo ang salita ng Dios? o sa inyo lamang dumating?

37. Kung iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo'y isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon.

38. Datapuwa't kung ang sinoman ay mangmang, ay manatili siyang mangmang.

39. Kaya nga, mga kapatid ko, maningas na pakanasain ninyong makapanghula, at huwag ninyong ipagbawal ang magsalita ng mga wika.

40. Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.

1 Mga Taga-Corinto 14