1 Mga Taga-Corinto 13:6-11 Ang Biblia (TLAB)

6. Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan;

7. Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.

8. Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.

9. Sapagka't nangakakakilala tayo ng bahagya, at nanganghuhula tayo ng bahagya;

10. Datapuwa't kung dumating ang sakdal, ang bahagya ay matatapos.

11. Nang ako'y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.

1 Mga Taga-Corinto 13