1 Mga Taga-Corinto 10:1-4 Ang Biblia (TLAB)

1. Sapagka't hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, at ang lahat ay nagsitawid sa dagat;

2. At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat;

3. At lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu;

4. At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.

1 Mga Taga-Corinto 10