5. At ang haring Salomon at ang buong kapulungan ng Israel na nangagpisan sa kaniya, ay mga kasama niya sa harap ng kaban, na naghahain ng mga tupa at mga baka, na di masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan.
6. At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa karoroonan, sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa ilalim ng mga pakpak ng mga querubin.
7. Sapagka't nangakabuka ang mga pakpak ng mga querubin sa dako ng kaban, at ang mga querubin ay nagbibigay kanlong sa kaban at sa mga pingga niyaon sa ibabaw.
8. At ang mga pingga ay nangapakahaba, na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa dakong banal sa harap ng sanggunian; nguni't hindi nangakikita sa labas: at nandoon hanggang sa araw na ito.
9. Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises doon sa Horeb, nang ang Panginoon ay makipagtipan sa mga anak ni Israel, nang sila'y lumabas sa lupain ng Egipto.
10. At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa dakong banal, na napuno ng ulap ang bahay ng Panginoon.
11. Na anopa't ang mga saserdote ay hindi makatayo upang mangasiwa dahil sa ulap: sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.
12. Nang magkagayo'y nagsalita si Salomon, Ang Panginoo'y nagsabi na siya'y tatahan sa salimuot na kadiliman.
13. Tunay na ipinagtayo kita ng isang bahay na tahanan, ng isang dako upang iyong tahanan magpakailan man.
14. At ipinihit ng hari ang kaniyang mukha, at binasbasan ang buong kapisanan ng Israel: at ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo.
15. At kaniyang sinabi, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama, at tinupad ng kaniyang kamay, na sinasabi,
16. Mula nang araw na aking ilabas ang aking bayang Israel sa Egipto, hindi ako pumili ng bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel upang magtayo ng bahay, upang ang aking pangalan ay dumoon; nguni't aking pinili si David upang maging pangulo sa aking bayang Israel.
17. Nasa puso nga ni David na aking ama ang ipagtayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel.
18. Nguni't sinabi ng Panginoon kay David na aking ama, Sa paraang nasa iyong puso ang ipagtayo ng isang bahay ang aking pangalan, mabuti ang iyong ginawa na inakala mo sa iyong puso;