1 Mga Hari 6:25-30 Ang Biblia (TLAB)

25. At ang isang querubin ay sangpung siko: ang dalawang querubin ay may isang sukat at isang anyo.

26. Ang taas ng isang querubin ay may sangpung siko, at gayon din ang isang querubin.

27. At kaniyang inilagay ang mga querubin sa pinakaloob ng bahay: at ang mga pakpak ng mga querubin ay nangakabuka na anopa't ang pakpak ng isa ay dumadaiti sa isang panig, at ang pakpak ng ikalawang querubin ay dumadaiti sa kabilang panig; at ang kanilang mga kabilang pakpak ay nagkakadaiti sa gitna ng bahay.

28. At kaniyang binalot ng ginto ang mga querubin.

29. At kaniyang inukitan ang lahat na panig ng bahay sa palibot ng mga ukit na larawan ng mga querubin, at ng mga puno ng palma, at ng mga bukang bulaklak, sa loob at sa labas.

30. At ang lapag ng bahay ay binalot niya ng ginto, sa loob at sa labas.

1 Mga Hari 6