1 Mga Hari 4:4-12 Ang Biblia (TLAB)

4. At si Benaia, na anak ni Joiada ay nangungulo sa hukbo; at si Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote;

5. At si Azarias na anak ni Nathan ay nangungulo sa mga pinuno; at si Zabud na anak ni Nathan ay pangulong tagapangasiwa, na kaibigan ng hari;

6. At si Ahisar ay katiwala sa kaniyang bahay; at si Adoniram na anak ni Abda ay nasa mga magpapabuwis.

7. At si Salomon ay may labing dalawang katiwala sa buong Israel, na sila ang nag-iimbak ng pagkain ukol sa hari, at sa kaniyang sangbahayan: bawa't isa sa kanila'y nag-iimbak ng pagkain na isang buwan sa bawa't taon.

8. At ito ang kanilang mga pangalan: si Ben-hur sa lupaing maburol ng Ephraim:

9. Si Ben-dacer, sa Maccas, at sa Saalbim, at sa Beth-semes, at sa Elonbeth-hanan:

10. Si Ben-hesed, sa Aruboth (sa kaniya'y nauukol ang Socho, at ang buong lupain ng Ephet:)

11. Si Ben-abinadab sa buong kataasan ng Dor (na ang asawa'y si Taphat na anak ni Salomon:)

12. Si Baana na anak ni Ahilud sa Taanach, at sa Megiddo, at sa buong Beth-san na nasa siping ng Zaretan, sa ibaba ng Jezreel, mula sa Bethsan hanggang sa Abel-mehola, na may layong hanggang sa dako roon ng Jocmeam:

1 Mga Hari 4