9. At sinabi niya sa kanila, Anong payo ang ibinibigay ninyo, upang maibalik nating sagot sa bayang ito, na nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pagaanin mo ang atang na iniatang ng iyong ama sa amin?
10. At ang mga binata na nagsilaking kasabay niya ay nagsipagsalita sa kaniya, na nagsisipagsabi, Ganito ang iyong sasabihin sa bayang ito na nagsalita sa iyo, na nagsasabi, Pinabigat ng iyong ama ang atang sa amin, nguni't pagaanin mo sa amin; ganito ang iyong sasalitain sa kanila, Ang aking kalingkingan ay makapal kay sa mga balakang ng aking ama.
11. At yaman ngang inatangan kayo ng aking ama ng mabigat na atang, ay aking dadagdagan pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit; nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan.
12. Sa gayo'y naparoon si Jeroboam at ang buong bayan kay Roboam sa ikatlong araw, gaya ng iniutos ng hari, na sinasabi, Magsibalik kayo sa akin sa ikatlong araw.
13. At ang hari ay sumagot sa bayan na may katigasan, at tinalikdan ang payo na ibinigay sa kaniya ng mga matanda;
14. At nagsalita sa kanila ayon sa payo ng mga binata, na nagsasabi, Pinabigat ng aking ama ang atang sa inyo, nguni't dadagdagan ko pa ang atang sa inyo: pinarusahan kayo ng aking ama ng mga panghagupit, nguni't parurusahan ko kayo ng mga tila alakdan.
15. Sa gayo'y hindi dininig ng hari ang bayan; sapagka't bagay na buhat sa Panginoon upang kaniyang itatag ang kaniyang salita, na sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng kamay ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nabat.
16. At nang makita ng buong Israel na hindi sila dininig ng hari, ay sumagot ang bayan sa hari, na nagsasabi, Anong bahagi mayroon kami kay David? at wala man kaming mana sa anak ni Isai: sa iyong mga tolda, Oh Israel: ngayon ikaw ang bahala ng iyong sariling sangbahayan, David. Sa gayo'y yumaon ang Israel sa kanikaniyang tolda.
17. Nguni't tungkol sa mga anak ni Israel na nagsitahan sa mga bayan ng Juda, ay pinagharian sila ni Roboam.
18. Nang magkagayo'y sinugo ng haring Roboam si Adoram na nasa pagpapaatag; at binato ng buong Israel siya ng mga bato, na anopa't siya'y namatay. At nagmadali ang haring Roboam na sumakay sa kaniyang karo, upang tumakas sa Jerusalem.
19. Gayon nanghimagsik ang Israel laban sa sangbahayan ni David, hanggang sa araw na ito.
20. At nangyari, nang mabalitaan ng buong Israel na si Jeroboam ay bumalik, na sila'y nagsugo at ipinatawag siya sa kapisanan, at ginawa siyang hari sa buong Israel: walang sumunod sa sangbahayan ni David, kundi ang lipi ni Juda lamang.
21. At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang buong sangbahayan ng Juda, at ang lipi ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling lalake, na mga mangdidigma, upang magsilaban sa sangbahayan ng Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam na anak ni Salomon.
22. Nguni't ang salita ng Dios ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios, na nagsasabi,