1. At si Roboam ay naparoon sa Sichem: sapagka't ang buong Israel ay naparoon sa Sichem upang gawin siyang hari.
2. At nangyari, nang mabalitaan ni Jeroboam na anak ni Nabat (sapagka't siya'y nasa Egipto pa, na doon siya'y tumakas mula sa harapan ng haring Salomon, at tumahan sa Egipto,
3. At sila'y nagsugo at ipinatawag nila siya,) si Jeroboam nga at ang buong kapisanan ng Israel ay nagsiparoon, at nagsipagsalita kay Roboam, na sinasabi,