1 Mga Cronica 9:1-8 Ang Biblia (TLAB)

1. Sa gayo'y ang buong Israel ay nabilang ayon sa mga talaan ng lahi; at, narito, sila'y nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel. At ang Juda'y dinalang bihag sa Babilonia dahil sa kanilang pagsalangsang.

2. Ang mga unang mananahanan na nagsitahan sa kanilang mga pag-aari sa kanilang mga bayan ay ang Israel, ang mga saserdote, ang mga Levita, at ang mga Nethineo.

3. At sa Jerusalem ay tumahan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin, at sa mga anak ni Ephraim at Manases;

4. Si Urai, na anak ni Amiud, na anak ni Omri, na anak ni Imrai, na anak ni Bani, sa mga anak ni Phares na anak ni Juda.

5. At sa mga Silonita: si Asaias na panganay, at ang kaniyang mga anak.

6. At sa mga anak ni Zara: si Jehuel, at ang kanilang mga kapatid, na anim na raan at siyam na pu.

7. At sa mga anak ni Benjamin: si Sallu, na anak ni Mesullam, na anak ni Odavia, na anak ni Asenua;

8. At si Ibnias na anak ni Jeroham, at si Ela na anak ni Uzzi, na anak ni Michri, at si Mesullam na anak ni Sephatias, na anak ni Rehuel, na anak ni Ibnias;

1 Mga Cronica 9