29. At sa siping ng mga hangganan ng mga anak ni Manases, ang Beth-sean at ang mga nayon niyaon, ang Thanach at ang mga nayon niyaon, ang Megiddo at ang mga nayon niyaon, ang Dor at ang mga nayon niyaon. Sa mga ito nagsitahan ang mga anak ni Jose na anak ni Israel.
30. Ang mga anak ni Aser: si Imna, at si Isua, at si Isui, at si Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae.
31. At ang mga anak ni Beria: si Heber, at si Machiel na siyang ama ni Birzabith.
32. At naging anak ni Heber si Japhlet, at si Semer, at si Hotham, at si Sua na kapatid na babae nila.
33. At ang mga anak ni Japhlet si Pasac, at si Bimhal, at si Asvath. Ang mga ito ang mga anak ni Japhlet.