1 Mga Cronica 6:7-20 Ang Biblia (TLAB)

7. Naging anak ni Meraioth si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob;

8. At naging anak ni Achitob si Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Achimaas;

9. At naging anak ni Achimaas si Azarias, at naging anak ni Azarias si Johanan;

10. At naging anak ni Johanan si Azarias (na siyang pangulong saserdote sa bahay na itinayo ni Salomon sa Jerusalem:)

11. At naging anak ni Azarias si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob;

12. At naging anak ni Achitob si Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Sallum;

13. At naging anak ni Sallum si Hilcias, at naging anak ni Hilcias si Azarias;

14. At naging anak ni Azarias si Seraiah, at naging anak ni Seraiah si Josadec;

15. At si Josadec ay nabihag nang dalhing bihag ng Panginoon ang Juda at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Nabucodonosor.

16. Ang mga anak ni Levi: si Gersom, si Coath, at si Merari.

17. At ang mga ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gersom: si Libni at si Simi.

18. At ang mga anak ni Coath ay si Amram, at si Ishar at si Hebron, at si Uzziel.

19. Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. At ang mga ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

20. Kay Gerson: si Libni na kaniyang anak, si Joath na kaniyang anak, si Zimma na kaniyang anak;

1 Mga Cronica 6