1 Mga Cronica 6:44-53 Ang Biblia (TLAB)

44. At sa kaliwa ay ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Merari: si Ethan na anak ni Chisi, na anak ni Abdi, na anak ni Maluch;

45. Na anak ni Hasabias, na anak ni Amasias, na anak ni Hilcias;

46. Na anak ni Amasias, na anak ni Bani, na anak ni Semer;

47. Na anak ni Mahali, na anak ni Musi, na anak ni Merari, na anak ni Levi.

48. At ang kanilang mga kapatid na mga Levita ay nangahalal sa buong paglilingkod sa tabernakulo ng bahay ng Dios.

49. Nguni't si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nagsipaghandog sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin, at sa ibabaw ng dambana ng kamangyan, para sa buong gawain sa kabanalbanalang dako, at upang tubusin sa sala ang Israel, ayon sa lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Dios.

50. At ang mga ito ang mga anak ni Aaron: si Eleazar na kaniyang anak, si Phinees na kaniyang anak, si Abisua na kaniyang anak,

51. Si Bucci na kaniyang anak, si Uzzi na kaniyang anak, si Zeraias na kaniyang anak,

52. Si Meraioth na kaniyang anak, si Amarias na kaniyang anak, si Achitob na kaniyang anak,

53. Si Sadoc na kaniyang anak, si Achimaas na kaniyang anak.

1 Mga Cronica 6