1 Mga Cronica 6:15-22 Ang Biblia (TLAB)

15. At si Josadec ay nabihag nang dalhing bihag ng Panginoon ang Juda at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Nabucodonosor.

16. Ang mga anak ni Levi: si Gersom, si Coath, at si Merari.

17. At ang mga ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gersom: si Libni at si Simi.

18. At ang mga anak ni Coath ay si Amram, at si Ishar at si Hebron, at si Uzziel.

19. Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. At ang mga ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

20. Kay Gerson: si Libni na kaniyang anak, si Joath na kaniyang anak, si Zimma na kaniyang anak;

21. Si Joab na kaniyang anak, si Iddo na kaniyang anak, si Zera na kaniyang anak, si Jeothrai na kaniyang anak.

22. Ang mga anak ni Coath: si Aminadab na kaniyang anak, si Core na kaniyang anak, si Asir na kaniyang anak;

1 Mga Cronica 6