2. Ang ikatlo'y si Absalom, na anak ni Maacha na anak na babae ni Talmai na hari sa Gesur; ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Aggith;
3. Ang ikalima'y si Sephatias, ni Abithal; ang ikaanim ay si Itream, ni Egla na asawa niya.
4. Anim ang ipinanganak sa kaniya sa Hebron; at doo'y naghari siyang pitong taon at anim na buwan: At sa Jerusalem ay naghari siyang tatlong pu't tatlong taon.
5. At ito ang mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: si Simma, at si Sobab, at si Nathan, at si Solomon, apat, ni Beth-sua na anak na babae ni Ammiel:
6. At si Ibaar, at si Elisama, at si Eliphelet;
7. At si Noga, at si Nepheg, at si Japhia;
8. At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet, siyam;
9. Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga babae; at si Thamar ay kanilang kapatid na babae.
10. At ang anak ni Solomon ay si Roboam, si Abia na kaniyang anak, si Asa na kaniyang anak, si Josaphat na kaniyang anak;
11. Si Joram na kaniyang anak, si Ochozias na kaniyang anak, si Joas na kaniyang anak;
12. Si Amasias na kaniyang anak, si Azarias na kaniyang anak, si Jotham na kaniyang anak;
13. Si Achaz na kaniyang anak, si Ezechias na kaniyang anak, si Manases na kaniyang anak;