7. At aking itatatag ang kaniyang kaharian magpakailan man, kung kaniyang pamamalagiang sundin ang aking mga utos at ang aking mga kahatulan, gaya sa araw na ito.
8. Ngayon nga'y sa paningin ng buong Israel, ng kapisanan ng Panginoon, at sa pakinig ng ating Dios, sundin at suriin ang lahat na utos ng Panginoon ninyong Dios: upang inyong ariin ang mabuting lupaing ito, at maiwang pinakamana sa inyong mga anak pagkamatay ninyo, magpakailan man.
9. At ikaw, Salomon na aking anak, kilalanin mo ang Dios ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng sakdal na puso at ng kusang pagiisip: sapagka't sinasaliksik ng Panginoon ang lahat na puso, at naaalaman ang lahat na akala ng pagiisip: kung iyong hanapin siya, ay masusumpungan siya sa iyo; nguni't kung pabayaan mo siya, kaniyang itatakwil ka magpakailan man.
10. Magingat ka ngayon; sapagka't pinili ka ng Panginoon upang ipagtayo mo ng bahay ang santuario; magpakalakas ka, at gawin mo.
11. Nang magkagayo'y ibinigay ni David kay Salomon na kaniyang anak ang anyo ng portiko ng templo, at ng mga kabahayan niyaon, at ng mga ingatang-yaman niyaon, at ng mga mataas na silid niyaon, at ng mga pinakaloob na silid niyaon, at ng dakong luklukan ng awa:
12. At ang anyo ng lahat na kaniyang naisip sa pamamagitan ng Espiritu tungkol sa mga looban ng bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat ng silid sa palibot, tungkol sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios, at tungkol sa mga ingatang-yaman ng mga natalagang bagay:
13. Tungkol din naman sa mga bahagi ng mga saserdote at ng mga Levita, at tungkol sa lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, at tungkol sa lahat na kasangkapan na ipinaglilingkod sa bahay ng Panginoon.
14. Sa ginto na ang timbang na ukol sa mga kasangkapang ginto, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod; sa pilak na ukol sa lahat ng kasangkapan na pilak ang timbang, sa lahat na kasangkapan ng sarisaring paglilingkod:
15. Na ang timbang din naman na ukol sa mga kandelero na ginto, at sa mga ilawan niyaon, na ginto: na ang timbang sa bawa't kandelero at sa mga ilawan niyaon: at sa mga kandelerong pilak, pilak na ang timbang sa bawa't kandelero, at sa mga ilawan niyaon, ayon sa kagamitan sa bawa't kandelero:
16. At ang ginto na ang timbang na ukol sa mga dulang ng tinapay na handog, na ukol sa bawa't dulang; at pilak na ukol sa mga dulang na pilak: