28. At sa mga puno ng olibo at sa mga puno ng sikomoro na nangasa mababang lupa ay si Baal-hanan na Gederita: at sa mga kamalig ng langis ay si Joas:
29. At sa mga bakahan na pinasasabsab sa Saron ay si Sitrai na Saronita: at sa mga bakahan na nangasa mga libis ay si Saphat na anak ni Adlai:
30. At sa mga kamelyo ay si Obil na Ismaelita: at sa mga asno ay si Jedias na Meronothita: At sa mga kawan ay si Jaziz na Hagrita.
31. Lahat ng mga ito'y mga katiwala sa mga pag-aari ng haring David.
32. At si Jonathan na amain ni David ay kasangguni at lalaking matalino, at kalihim; at si Jehiel na anak ni Hacmoni ay nasa mga anak ng hari:
33. At si Achitophel ay kasangguni ng hari: at si Husai na Archita ay kaibigan ng hari: