4. At may higit na mga pinuno na nasumpungan sa mga anak ni Eleazar kay sa mga anak ni Ithamar: at ganito nila binahagi: sa mga anak ni Eleazar ay may labing anim, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang; at sa mga anak ni Ithamar, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, walo.
5. Ganito nila binahagi sa pamamagitan ng sapalaran, ng isa't isa sa kanila; sapagka't may mga prinsipe sa santuario, at mga prinsipe ng Dios, sa mga anak ni Eleazar, at gayon din sa mga anak ni Ithamar.
6. At si Semeias na anak ni Nathanael na kalihim, na sa mga Levita ay isinulat sila sa harapan ng hari, at ng mga prinsipe, at si Sadoc na saserdote, at ni Ahimelech na anak ni Abiathar, at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote, at ng mga Levita: isang sangbahayan ng mga magulang ay kinuha para sa kay Eleazar, at isa'y kinuha para sa kay Ithamar.
7. Ang una ngang kapalaran ay lumabas kay Joiarib, ang ikalawa'y kay Jedaia;
8. Ang ikatlo ay kay Harim, ang ikaapat ay kay Seorim;
9. Ang ikalima ay kay Malchias, ang ikaanim ay kay Miamim;
10. Ang ikapito ay kay Cos, ang ikawalo ay kay Abias;
11. Ang ikasiyam ay kay Jesua, ang ikasangpu ay kay Sechania;
12. Ang ikalabing isa ay kay Eliasib, ang ikalabing dalawa ay kay Jacim;
13. Ang ikalabing tatlo ay kay Uppa, ang ikalabing apat ay kay Isebeab;
14. Ang ikalabing lima ay kay Bilga, ang ikalabing anim ay kay Immer;
15. Ang ikalabing pito ay kay Hezir, ang ikalabing walo ay kay Aphses;
16. Ang ikalabing siyam ay kay Pethaia, ang ikadalawangpu ay kay Hezeciel;
17. Ang ikadalawangpu't isa ay kay Jachin, ang ikadalawangpu't dalawa ay kay Hamul;
18. Ang ikadalawangpu't tatlo ay kay Delaia, ang ikadalawangpu't apat ay kay Maazia.
19. Ito ang ayos nila sa kanilang paglilingkod, upang pumasok sa bahay ng Panginoon ayon sa alituntunin na ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng kamay ni Aaron na kanilang magulang, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
20. At sa nalabi sa mga anak ni Levi: sa mga anak ni Amram: si Subael; sa mga anak ni Subael, si Jehedias.