1 Mga Cronica 24:19-31 Ang Biblia (TLAB)

19. Ito ang ayos nila sa kanilang paglilingkod, upang pumasok sa bahay ng Panginoon ayon sa alituntunin na ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng kamay ni Aaron na kanilang magulang, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

20. At sa nalabi sa mga anak ni Levi: sa mga anak ni Amram: si Subael; sa mga anak ni Subael, si Jehedias.

21. Kay Rehabia: sa mga anak ni Rehabia, si Isias ang pinuno.

22. Sa mga Isharita, si Selomoth; sa mga anak ni Selomoth, si Jath.

23. At sa mga anak ni Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, si Jecaman ang ikaapat.

24. Ang mga anak ni Uzziel; si Micha; sa mga anak ni Micha, si Samir.

25. Ang kapatid ni Micha, si Isia; sa mga anak ni Isia, si Zacharias.

26. Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi: ang mga anak ni Jaazia: si Benno.

27. Ang mga anak ni Merari: kay Jaazia, si Benno, at si Soam, at si Zachur, at si Ibri.

28. Kay Mahali: si Eleazar, na hindi nagkaanak.

29. Kay Cis: ang mga anak ni Cis, si Jerameel.

30. At ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth. Ang mga ito ang mga anak ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

31. Ang mga ito nama'y nagsapalaran din na gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron, sa harap ni David na hari, at ni Sadoc, at ni Ahimelech at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote at ng mga Levita: ang mga sangbahayan ng mga magulang ng pinuno, gaya ng kaniyang batang kapatid.

1 Mga Cronica 24