1 Mga Cronica 2:45-55 Ang Biblia (TLAB)

45. At ang anak ni Sammai ay si Maon; at si Maon ay ama ni Beth-zur.

46. At ipinanganak ni Epha, na babae ni Caleb, si Haran, at si Mosa, at si Gazez: at naging anak ni Haran si Gazez.

47. At ang mga anak ni Joddai: si Regem, at si Jotham, at si Gesan, at si Pelet, at si Epha, at si Saaph.

48. Ipinanganak ni Maacha, na babae ni Caleb, si Sebet, at si Thirana.

49. Ipinanganak din niya si Saaph na ama ni Madmannah, si Seva na ama ni Macbena, at ang ama ni Ghiba; at ang anak na babae ni Caleb ay si Acha.

50. Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay ni Ephrata: si Sobal na ama ni Chiriath-jearim;

51. Si Salma na ama ni Bethlehem, si Hareph na ama ni Beth-gader.

52. At si Sobal na ama ni Chiriath-jearim ay nagkaanak; si Haroeh, na kalahati ng mga Manahethita.

53. At ang mga angkan ni Chiriath-jearim: ang mga Ithreo, at ang mga Phuteo, at ang mga Samateo, at ang mga Misraiteo; na mula sa kanila ang mga Soratita at ang mga Estaolita.

54. Ang mga anak ni Salma: ang Bethlehem, at ang mga Netophatita, ang Atroth-beth-joab, at ang kalahati ng mga Manahethita, ang mga Soraita.

55. At ang mga angkan ng mga kalihim na nagsisitahan sa Jabes: ang mga Thiratheo, ang mga Simatheo, at ang mga Sucatheo. Ito ang mga Cineo, na nagsipagmula kay Hamath, na ama ng sangbahayan ni Rechab.

1 Mga Cronica 2