1 Mga Cronica 2:2-9 Ang Biblia (TLAB)

2. Si Dan, si Jose, at si Benjamin, si Neftali, si Gad at si Aser.

3. Ang mga anak ni Juda: si Er, at si Onan, at si Sela: na siyang tatlong ipinanganak sa kaniya ng anak na babae ni Sua, na Cananea. At si Er, na panganay ni Juda, ay masama sa paningin ng Panginoon; at pinatay niya siya.

4. At ipinanganak sa kaniya ni Thamar na kaniyang manugang na babae si Phares at si Zara. Lahat na anak ni Juda ay lima.

5. Ang mga anak ni Phares: si Hesron at si Hamul.

6. At ang mga anak ni Zara: si Zimri, at si Ethan, at si Heman, at si Calcol, at si Darda: lima silang lahat.

7. At ang mga anak ni Carmi: si Achar, na mangbabagabag ng Israel, na gumawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay.

8. At ang mga anak ni Ethan: si Azaria.

9. Ang mga anak naman ni Hesron, na mga ipinanganak sa kaniya: si Jerameel, at si Ram, at si Chelubai.

1 Mga Cronica 2