1 Mga Cronica 12:1-14 Ang Biblia (TLAB)

1. Ang mga ito nga ang nagsiparoon kay David sa Siclag, samantalang siya'y nagkukubli pa dahil kay Saul na anak ni Cis: at sila'y nasa mga makapangyarihang lalake, na kaniyang mga katulong sa pakikipagdigma.

2. Sila'y nasasakbatan ng mga busog, at kanilang ginagamit kapuwa ang kanang kamay at kaliwa sa pagpapahilagpos ng mga bato, at sa pagpapahilagpos ng mga pana mula sa busog; sila'y sa mga kapatid ni Saul sa Benjamin.

3. Ang pinuno ay si Ahiezer, saka si Joas, na mga anak ni Semaa na Gabaathita; at si Jeziel, at si Pheleth, na mga anak ni Azmaveth; at si Beraca, at si Jehu na Anathothita;

4. At si Ismaias na Gabaonita, na makapangyarihang lalake sa tatlongpu, at pinuno ng tatlongpu; at si Jeremias, at si Jahaziel, at si Joanan, at si Jozabad na Gederathita;

5. Si Eluzai, at si Jeremoth, at si Bealias, at si Semarias, at si Sephatias na Haruphita;

6. Si Elcana, at si Isias, at si Azareel, at si Joezer, at si Jasobam, na mga Corita:

7. At si Joela, at si Zebadias, na mga anak ni Jeroham na taga Gedor.

8. At sa mga Gadita ay nagsihiwalay na nagsilakip kay David sa katibayan sa ilang, ang mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga lalaking bihasa sa pakikidigma, na makahahawak ng kalasag at sibat; na ang mga mukha nila ay gaya ng mga mukha ng mga leon, at sila'y maliliksing gaya ng mga usa sa mga bundok;

9. Si Eser ang pinuno, si Obadias ang ikalawa, si Eliab ang ikatlo;

10. Si Mismana ang ikaapat, si Jeremias ang ikalima;

11. Si Attai ang ikaanim, si Eliel ang ikapito;

12. Si Johanan ang ikawalo, si Elzabad ang ikasiyam;

13. Si Jeremias ang ikasangpu, si Machbani ang ikalabingisa.

14. Ang mga ito sa mga anak ni Gad ay mga pinunong kawal ng hukbo; ang pinakamaliit ay katimbang ng isang daan, at ang pinakamalaki ay ng isang libo.

1 Mga Cronica 12