1 Mga Cronica 11:20-34 Ang Biblia (TLAB)

20. At si Abisai na kapatid ni Joab, siyang pinuno ng tatlo: sapagka't kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan, at pinatay niya sila, at nagkaroon ng pangalan sa tatlo.

21. Sa tatlo, siya'y lalong marangal kay sa dalawa, at ginawang kanilang pinunong kawal: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo.

22. Si Benaias na anak ni Joiada, na anak ng isang matapang na lalake sa Cabseel, na gumawa ng mga makapangyarihang gawa, ay kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab: siya'y bumaba rin naman at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa panahon ng niebe.

23. At siya'y pumatay ng isang taga Egipto, na isang lalaking may malaking bulas, na limang siko ang taas; at sa kamay ng taga Egipto ay may isang sibat na gaya ng panghabi ng manghahabi; at binaba niya siya na may isang tungkod, at inagaw ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.

24. Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong makapangyarihang lalake.

25. Narito, siya'y lalong marangal kay sa tatlongpu, nguni't hindi siya umabot sa unang tatlo: at inilagay ni David sa kaniya na bantay.

26. Ang mga makapangyarihang lalake naman sa mga hukbo; si Asael na kapatid ni Joab, si Elchanan na anak ni Dodo na taga Bethlehem:

27. Si Samoth na Arorita, si Helles na Pelonita;

28. Si Ira na anak ni Acces na Tecoita, si Abiezer na Anathothita;

29. Si Sibbecai na Husatita, si Ilai na Ahohita;

30. Si Maharai na Nethophatita, si Heled na anak ni Baana na Nethophatita;

31. Si Ithai na anak ni Ribai na taga Gabaath, sa mga anak ni Benjamin, si Benaias na Phirathita.

32. Si Hurai sa mga batis ng Gaas, si Abiel na Arbathonita;

33. Si Azmaveth na Baharumita, si Eliaba na Saalbonita;

34. Ang mga anak ni Asem na Gizonita, si Jonathan na anak ni Saje na Hararita;

1 Mga Cronica 11