8. Ang mga anak ni Cham: si Chus, at si Misraim, si Phuth, at si Canaan.
9. At ang mga anak ni Chus: si Seba, at si Havila, at si Sabtha, at si Racma, at si Sabtecha. At ang mga anak ni Racma: si Seba, at si Dedan.
10. At naging anak ni Chus si Nimrod: siya ang nagpasimulang naging makapangyarihan sa lupa.
11. At naging anak ni Misraim si Ludim, at si Ananim, at si Laabim, at si Nephtuim,
12. At si Phetrusim, at si Chasluim (na pinanggalingan ng mga Filisteo), at si Caphtorim.