45. At namatay si Jobab, at si Husam sa lupain ng mga Themaneo ay naghari na kahalili niya.
46. At namatay si Husam, at si Adad na anak ni Bedad na sumakit kay Madian sa parang ng Moab, ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avith.
47. At namatay si Adad, at si Samla na taga Masreca ay naghari na kahalili niya.
48. At namatay si Samla, at si Saul na taga Rehoboth sa tabi ng Ilog ay naghari na kahalili niya.
49. At namatay si Saul, at si Baal-hanan na anak ni Achbor ay naghari na kahalili niya.
50. At namatay si Baal-hanan, at si Adad ay naghari na kahalili niya; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pai: at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel, na anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Me-zaab.
51. At namatay si Adad. At ang mga pangulo ng Edom: ang pangulong Timna, ang pangulong Alia, ang pangulong Jetheh;
52. Ang pangulong Oholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Phinon;