28. Ang mga anak ni Abraham: si Isaac, at si Ismael.
29. Ito ang kanilang mga lahi: ang panganay ni Ismael, si Nabajot; saka si Cedar, at si Adbeel, at si Misam,
30. Si Misma, at si Duma, si Maasa; si Hadad, at si Thema,
31. Si Jetur, si Naphis, at si Cedma. Ito ang mga anak ni Ismael.
32. At ang mga anak ni Cethura, na babae ni Abraham: kaniyang ipinanganak si Zimram, at si Jocsan, at si Medan, at si Madian, at si Isbac, at si Sua. At ang mga anak ni Jocsan: si Seba, at si Dan.
33. At ang mga anak ni Madian: si Epha, at si Epher, at si Henoch, at si Abida, at si Eldaa. Lahat ng ito'y mga anak ni Cethura.
34. At naging anak ni Abraham si Isaac. Ang mga anak ni Isaac: si Esau, at si Israel.
35. Ang mga anak ni Esau: si Eliphas, si Rehuel, at si Jeus, at si Jalam, at si Cora.
36. Ang mga anak ni Eliphas: si Theman, at si Omar, si Sephi, at si Gatham, si Chenas, at si Timna, at si Amalec.
37. Ang mga anak ni Rehuel: si Nahath, si Zera, si Samma, at si Mizza.
38. At ang mga anak ni Seir: si Lotan at si Sobal at si Sibeon at si Ana, at si Dison at si Eser at si Disan.
39. At ang mga anak ni Lotan: si Hori at si Homam: at si Timna ay kapatid na babae ni Lotan.
40. Ang mga anak ni Sobal: si Alian at si Manahach at si Ebal, si Sephi at si Onam. At ang mga anak ni Sibeon: si Aia at si Ana.
41. Ang mga anak ni Ana: si Dison. At ang mga anak ni Dison: si Hamran at si Hesban at si Ithran at si Cheran.
42. Ang mga anak ni Eser: si Bilham, at si Zaavan, at si Jaacan. Ang mga anak ni Disan: si Hus at si Aran.
43. Ang mga ito nga ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago naghari ang sinomang hari sa mga anak ni Israel: si Belah na anak ni Beor: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.
44. At namatay si Belah, at si Jobab na anak ni Zera na taga Bosra ay naghari na kahalili niya.