19. At si Heber ay nagkaanak ng dalawang lalake: ang pangalan ng isa'y Peleg; sapagka't sa kaniyang mga kaarawan ay nakalatan ng tao ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan.
20. At naging anak ni Joctan si Elmodad, at si Seleph, at si Asarmaveth, at si Jera,
21. At si Adoram, at si Uzal, at si Dicla;
22. At si Hebal, at si Abimael, at si Seba;
23. At si Ophir, at si Havila, at si Jobab. Lahat ng ito'y mga anak ni Joctan.
24. Si Sem, si Arphaxad, si Sela;
25. Si Heber, si Peleg, si Reu;
26. Si Serug, si Nachor, si Thare;
27. Si Abram, (na siyang Abraham.)
28. Ang mga anak ni Abraham: si Isaac, at si Ismael.
29. Ito ang kanilang mga lahi: ang panganay ni Ismael, si Nabajot; saka si Cedar, at si Adbeel, at si Misam,
30. Si Misma, at si Duma, si Maasa; si Hadad, at si Thema,
31. Si Jetur, si Naphis, at si Cedma. Ito ang mga anak ni Ismael.
32. At ang mga anak ni Cethura, na babae ni Abraham: kaniyang ipinanganak si Zimram, at si Jocsan, at si Medan, at si Madian, at si Isbac, at si Sua. At ang mga anak ni Jocsan: si Seba, at si Dan.
33. At ang mga anak ni Madian: si Epha, at si Epher, at si Henoch, at si Abida, at si Eldaa. Lahat ng ito'y mga anak ni Cethura.
34. At naging anak ni Abraham si Isaac. Ang mga anak ni Isaac: si Esau, at si Israel.
35. Ang mga anak ni Esau: si Eliphas, si Rehuel, at si Jeus, at si Jalam, at si Cora.
36. Ang mga anak ni Eliphas: si Theman, at si Omar, si Sephi, at si Gatham, si Chenas, at si Timna, at si Amalec.
37. Ang mga anak ni Rehuel: si Nahath, si Zera, si Samma, at si Mizza.